SObrang Yabang? Seaman pumalag sa hamong debate ni Robredo kay BBM “Ang taas ng hangin mo sa katawan”


Pumalag ang isang seaman sa hamon ni presidential candidate Leni Robredo sa pinakamahigpit niyang katunggali sa halalan na si presidential bet Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Matatandaan na nitong Abril 29 ay hinamon ng one-on-one debate ni Robredo si Marcos dahil daw sa hindi pa sila nagkakatagpo sa isang diskusyon.

Ngunit agad naman itong tinanggihan ng kampo ni Marcos dahil sa mas gusto nilang ilaan ang mga huling araw ng kampanya na kausapin ang publiko.

Isa ang seaman na si Lacruiser Relativo sa mga binatikos si Robredo sa kanyang paghamon ni Marcos.

Ayon kasi kay Relativo ay hindi naman daw papakinggan si Robredo ng tao at mas interesado daw ang mga nanonood sa rally niya sa mga dumadalong artista.

“VP Leni Robredo, ano na naman itong paghahamon mo ng debate kay Bongbong Marcos madam? Ang taas talaga ng hangin mo sa katawan at feel na feel mo na gusto kang pakinggan ng tao. 

“Dumami ang audience mo dahil sa artista at kapag ikaw na ang nagsalita, dead air. . . Nakakawala ng hype. Basa pa more! Dahil sa “lawyer at economist” ka, mahirap man paniwalaan, pinilit ko pa ring pakinggan ka sa abot ng aking makakaya. Pero in the end, na realize ko na may magandang paglalaanan ng oras, at hindi ikaw yon.

“Hindi mo kinaya ang casual interviews. How much more mga ambush interviews at kung sunod sunod na ang mga binabatong tanong, sasabihin mong hindi mo nakuha, paki-ulit. . .Magkaka education gap ang pilipinas kung ikaw ang naging presidente.

“Hindi ko sinasabing matalino ako Leni pero sadyang sensitive yung taenga ko pagdating sa logic at eloquence. Tama nga si PRRD, need mo ng refresher hindi lang sa law subjects. Isama na ang basic math, geography, at cooking show. Na bubweset ang Pilipinas sa yo! Bye!” 

Matatandaan na binatikos na noon ni Relativo si Robredo dahil sa sinabi ng bise tungkol sa mga seaman.

“Sana lang huwag ninyo kaming gamiting ‘materyal’ para sa kagustuhan ninyong manalo at magamit ang pondong nakalaan para sa amin.” sabi noon ni Relativo kay Robredo.


Post a Comment

0 Comments