Hemas Rehas? Mga Vloggers na gumawa ng pekeng road rage sa Marikina, posibleng makasuhan at makulong dahil sa ginawa nila "Yari kayo!"


Posibleng mag-himas rehas ang isang grupo ng mga vlogger matapos nilang matagumpay na maloko ang publiko sa kanilang ‘prank’ na tungkol sa road rage.

Sa nasabing video na umabot ng anim na milyong views sa social media ay makikita ang dalawang lalaki habang hinahabol ang isang sasakyan na diumano’y nakabangga ng isang pedestrian sa Marikina River Park

Nahabol naman ng dalawa ang sasakyan kung saan ay makikita ang tila pagmamatigas nito.

Matapos ng ilang sandali ay naglabas ng baril ang lalaki sa sasakyan at tila pinaputukan ang isa sa mga humabol sa kanya.

Maraming netizens ang napaniwala ng nasabing video at ang iba ay ipinahanap pa ang lalaki sa sasakyan sa mga kapulisan.


Ngunit napag alaman sa huli na ‘prank’ lamang ito at magkakasabwat ang tatlo na nasa video.

Binura ng mga vlogger ang nasabing video at humingi ng tawad ngunit tila huli na ang lahat para sa kanila.

Nakilala ang mga suspek Jonathan Esquillo, Joseph Josef and Jonathan Tablante na humaharap ngayon sa patong patong na reklamo.

Ayon sa mga kapulisan ay haharap ang tatlo sa paglabag sa iolation of Article 154 of RPC (Unlawful use of means of publication and unlawful utterances) in relation to R.A 10175 (Cybercrime Law) ; Art 155 (Alarm and Scandal) ; at Unjust Vexation.

Kinikilala naman ng kapulisan ang paghingi ng tawad ng tatlo ngunit kailangan parin daw manaig ang batas upang hindi na gayahin pa ng ibang vlogger ang ginawa ng mga suspek.

Post a Comment

0 Comments