Nagbabala? Sen.Pacquiao nagbabala sa mga Pilipino Kapag nanalo si Bongbong "Hindi titigil ang kaguluhan!"


Nagbabala sa mga botante si Senador Manny Pacquiao na kapag nanalo ang katunggali niya sa presidential race na si Ferdinand Marcos Jr., ay magiging non-stop ang kaguluhan sa bansa.

“Ito lang sabihin ko sa inyo, ‘pag nanalo si Bongbong hindi titigil ang kaguluhan,” pahayag ni Pacquiao sa isang media briefing sa Ormoc City, Leyte.

“Kasi buti kung papayag ‘yang dilawan. Kung manalo naman ang dilawan, payag kaya ang kabila? So ganun na lang palagi ang politika natin dito, ‘di na tayo naka-focus sa economic growth and development sa bansa. Ang naaapektuhan ang taumbayan,” dagdag niya.


Post a Comment

0 Comments