Mali ka! Arnell Ignacio itinama ang mali ni Vice Ganda tungkol sa prangkisa "Ang tinutukoy mo ay yung frequency!"


Itinama ni dating Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) deputy executive director Arnell Ignacio ang komedyante na si Vice Ganda matapos nitong sabihin na hindi na maari pang maibalik ang prangkisa ng ABS-CBN.

Matatandaan na sinabi ng komedyante na hindi nila sinusuportahan ang isang kandidato dahil sa umaasa sila na maibabalik pa ang prangkisa ng Kapamilya network.

“Linawin lang natin, ha. Kasi ang daming nagsasabi, itong mga artistang ‘to, may mga ginagawa sila dahil ang tanging pakay nila ay para maibalik ang prangkisa.” ani Vice.

“Para lang sa kaalaman ng nakararami, wala na ho kaming inaasahang prangkisa, dahil ‘yung dati naming prangkisa, meron na hong nagmamay-ari nu’n. Wala na po kaming hinahabol na dating prangkisa, dahil ang prangkisa namin ay may nagmamay-ari na, at pagmamay-arian nila ‘yan ng ilang dekada,” dagdag niya pa.

Ngunit ayon kay Arnell, mali ang inilabas na impormasyon ni Vice dahil sa libre naman na nakukuha ang prangkisa at hindi ito nabibili.

“Vice, walang may may-ari ng franchise kasi wala naman lumabas na franchise. At yun ay libre. Ang tinutukoy mo ay yung frequency,” sabi ni Arnell na isa ring komedyante.

Ayon sa dating opisyal ay maari pang makapag-apply ang ABS-CBN ng franchise.

Naniniwala si Arnell na ang ‘frequency’ ng ABS-CBN na channel 2 ang binabanggit ng komedyante.

“Next, the NTC, e, merong ina-assign na frequency para diyan sa mabibigyan ng prangkisa na mag-operate ng network. You need this frequency, ito yung channel, so you cannot go back to the previous channel that you were using before,” sabi niya.

“But then, of course, you will always keep in mind that ang prangkisa ay ina-apply sa Congress. Ang frequency ay ina-assign ng NTC. Yun ‘yon,” dagdag niya pa.

Nitong Enero ay nakuha na ng kumpanya ni dating Senate President Manny Villar ang frequency ng ABS-CBN na channel 2 at 16.

Nakuha naman ng Sonshine Media Network International (SMNI) ni Pastor Apollo Quiboloy ang Channel 43.


Post a Comment

0 Comments