Kadiri ka! Gordon nabuking ang ginawang Pagtataray sa Campaign rally, Mga kakampink nandiri


Nabuking ang pagtataray ni Sen. Dick Gordon sa campaign rally ng mga kakampink sa Batangas ngayong Sabado nang masagap ng mikropono ang kanyang boses mula sa stage.

Sa video na ibinahagi ng isang netizen, maririnig na nasagap ng mic na may pinapagalitan si Gordon.

“Hinarang niyo ako dun, nagsasalita ako. Ano bang gagawin ko? Ayoko nang pumunta dito. O yan, hawakan mo na!” sabi ni Gordon base sa video clip.

“Sorry po sir,” sabi naman ng kausap niya.

“Oh, you’re not sorry, you do that all the time!” dugtong pa ng senador.

Ayon sa isang netizen na si @advenjairos, nagalit si Gordon dahil sa time limit sa pagsasalita. Ganito na rin daw ang ginawa niya sa iba pang campaign rally ng mga kakampink.

Kaya naman, mismong mga kakampink ay tila umaayaw na kay Dick.

“Sorry but I have to say this, I’ll vote straight sa Senator slate ni Leni-Kiko except Dick Gordon. Bastos talaga ‘yan,” dagdag pa ni @advenjairos.

“Don’t vote for Dick Gordon. This is me, a kakampink, dropping Dick for being a dick. Hope you’ll lose, dick,” ani @Synechtouche.

“At the start of the campaign, I was still undecided about Dick Gordon. But with what he did (yet again) tonight???? Definitely not voting for him. What a dick!!!! Bastos amputa talaga,” ani @Shynanana.

Trending sa Twitter ngayong Sabado si Gordon dahil sa mga dismayadong kakampink.




Post a Comment

0 Comments