NASAPAK? Robin Padilla may maanghang na sagot sa mga ibinato ni Rowena Guanzon: “Hindi ko hinihingi ang boto mo!”


Hindi napigilan ni senatorial aspirant Robin Padilla na banatan si retired commission on elections (COMELEC) Commissioner Rowena Guanzon matapos sabihin ng kilalang abogado na hinding hindi niya iboboto ang action star sa senado.

Matatandaan na naging usap usapan ang pahayag noon ni Padilla na biktima ng EJK si Andres Bonifacio na tila kinutya naman ni Guanzon.

“Hindi ko iboboto si Robin Padilla. Maawa kayo sa Pilipinas,” ani Guanzon.

Maanghang naman ang naging tugon ni Padilla kay Guanzon at sinabi na hindi niya naman kakailanganin ang boto ng dating commissioner.

Tinawag niya pang “grand standing” ang ginagawa ni Guanzon dahil tila pinagyayabang nito ang taas ng kanyang katalinuhan.

“Nakakatuwa naman ang retired comelec official na ito na lumabag sa mismong mga patakaran ng korte at nageskandalo sa labas ng comelec at siniraan ang kanyang pinagsilbihan ng ilang taon. Ito Ang mga halimbawa ng grand standing,” ani Padilla.

Ayon kay Padilla ay may ebidensya siya na biktima talaga ng EJK si Bonifacio at maari itong kilatisin ni Guanzon.

“Tutal ipinagyabang po niyo kayo ay tunay na mataas ang Pinag aralan at mahusay magbasa ng ebidensya.” sabi ng action star.

“Basahin niyo po muna ang hawak namin po ebidensya na si supremo andres bonifacio ay biktima ng EJK kasama ang Ilan pang miembro ng katipunan bago kayo po maglabas ng desisyon niyo na kami ay mga b*b* po,” dagdag niya pa.

Si Padilla ang gumanap na Andres Bonifacio sa pelikulang Bonifacio: Ang Unang Pangulo na nanalo ng Best Picture noon sa 40th Metro Manila Film Festival (MMFF).


Post a Comment

0 Comments