Bastos at Walang Respeto? Sharon Cuneta todo ang patama sa Pangulo "Maibalik na sana ang pagka Disente sa Bansa!"

Ginulat ni megastar Sharon Cuneta ang mga netizens dahil sa kanyang post laban sa kasalukuyang administrasyon sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang Facebook, binatikos nito ang administrasyon dahil sa dumadami na ang mga ‘bastos’ at nawawalan na ang respeto ng mga tao sa isa’t isa.

“I was already expecting lots of trolls and haters to descend on this page once I posted about VP Leni and Kiko. Sadly, this is what this present administration has created and instilled in our people.

 "Now, lumalabas na ang pagkabastos at pagkawalang disente ng marami sa ating mga Pilipino. Kundi na tayo marunong rumespeto sa isa’t-isa, paano tayo rerespetuhin ng mundo? Nasaan na ang tunay na bayanihan?

“Noong araw, nagrerespetuhan tayo ng kanya-kanyang paniniwala at kandidato pag kampanya at eleksiyon na. Ngayon, ganito na – bastusan. Yan ang dapat ma-erase. Maibalik sana natin ang ating pagkadisente at pagiging kagalang-galang.” ani Sharon.


Binanatan din ni si Pangulong Rodrigo Duterte at binanggit nito ang mga kontrobersiyal na ginawa nito kasama ang ang pahayag nito noon tungkol sa Diyos.

Isinama din ni Sharon ang kasalukuyang kontrobersiya sa transaksyon sa pagitan ng gobyerno at ng Pharmally Corp.

“Piliin ninyo ang mga pinuno na may takot sa Panginoon – yung hindi tinatawag ang Diyos na “ST*P*D.” Ang walang paniniwala sa Panginoon ay nakakatakot mamuno, dahil ang diyos niya ang ang sarili niya.

“Pumili kayo ng mga walang bahid ng korupsyon, may tapat na hangaring makapaglingkod at protektahan tayo. Hindi yung wala na ngang trabaho ang mga kababayan natin, gutom na wala pang ayuda.

Pero ang mga di makasagot kung saan na napunta ang bilyong-bilyong piso na napunta sa Pharmally pero kitang-kita ang mga magagarang sasakyan at biglang pagyaman ng mga kasali diyan, yun ang pinagtatakpan at pinoprotektahan.” saad ng megastar

Hinimok ni Sharon na gumising na ang tao dahil daw pinagtatawanan na daw ang Pilipinas sa ibang bansa.

“Magising na po tayo. Di na makausad ang Pilipinas! Tama na ang pambobola sa atin. Tama na ang pinagtatawanan ang Pilipino ng mundo. Naway tulungan tayo ng Panginoong Diyos. God bless us all po!” sabi pa nito.


Matatandaan na naging malapit si Sharon noon sa mga Duterte.

Ngunit tila nagumpisang magkaroon ang lamat ang relasyon ng Sharon at ng unang pamilya dahil sa mga pambabatikos na natanggap ni megastar sa social media.

Isa rin sa maaring dahilan ay ang pambabatikos ni Pangulong Duterte sa asawa ni Sharon na si Sen. Kiko Pangilinan na isa sa mga lider ng oposisyon.


Post a Comment

0 Comments