Kumpirmado Na? Willie Revillame nakipagkita kay Manny Villar sa gitna ng GMA contract expiry nito

 

Ikinagulat at ikinalungkot ng mga netizens ang anunsyo ng GMA Network na matatapos na ang kontrata sa kanila ng television host na si Willie Revillame.

Sa kanilang pahayag, sinabi ng GMA na lilisanin na ni Kuya Wil ang GMA ngunit hindi naman nila ibinahagi ang dahilan nito.

“Willie Revillame’s contract with GMA Network is set to end on the 15th of this month. His show ‘Wowowin’ will air until Friday, Feb. 11,” ayon sa GMA Network.

.

May ilang larawan naman na kumalat sa social media na nagbigay ng “clue” sa mga netizens kung ano ang maaring maging balak ni Revillame sa biglaang paglisan niya sa Kapuso Network.


Sa isang litrato na kuha ni Efren Syyap ay nakumpirma ang pagkikita sa pagitan ni Revillame at dating senate president Manny Villar na kilalang malapit sa isa’t isa.

“Goodluck WBR (Willie B. Revillame) and to your new network,” sabi ni Syyap sa kanyang post.

Kasama din sa pagpupulong si Las Piñas Rep. Camille Villar.


Matatandaan na nakuha ng media company ni Villar na Advanced Media Broadcasting System Inc. (AMBS) ang channel 2 na pagmamay-ari dati ng ABS-CBN.

Kumalat din ang balita na magkakaroon ng deal sa pagitan ng ABS-CBN at AMBS upang maipalabas ang muli ang mga programa ng Kapamilya Network sa channel 2 ngunit hindi parin ito kumpirmado.

Si Willie nga kaya ang isa sa mga magiging unang parte ng itinatayong media company ni Villar?

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Revillame tungkol sa kanyang mga plano pagkatapos ng kanyang kontrata sa GMA.


Post a Comment

0 Comments