Lilipat Na? Kuya Wil, Matatapos na ang Kontrata sa GMA Network at Ikinalungkot ng Maraming netizens

 

Kilalang TV Host at aktor si Willie Revillame. Mas lalo pang umusbong ang kanyang karera nang magkaroon siya ng TV show na kung saan siya ang host. May mga palaro si Willie sa dati niyang mga TV shows na namimigay ng papremyo. Maraming Pilipino na rin ang kanyang natulungan. Sa katunayan ay hindi na mabilang ang mga nabigyan niya ng tulong.

Isa si Willie Revillame sa mga kilalang pinaka mayaman sa bansa. Gayunpaman, hindi siya nakakalimot na tumulong sa mga tao. Sa katunayan, siya mismo ang nagtungo sa mga nasalanta ng nagdaang Bagyong Odette upang magpaabot ng tulong. Bukod dito, may TV show siya sa GMA network na 'Tutok-to-Win' kung saan may posibilidad na matawagan ka basta nanonood ka ng kanyang programa. May mga pinapalad na matawagan at malaki ang nagiging tulong nito sa mga tao lalo na sa panahon ngayon.


Isang balita naman ang ikinalungkot ng marami matapos ianunsyo ng GMA Network na matatapos na ang kontrata ni Willie. Magtatapos ang kanyang kontrata sa darating na Pebrero 15 at sa Pebrero 11 maeere ang huli niyang programa.

Hiling ng network na maging mabuti ang kanyang hinaharap. Narito ang kabuuang statement ng GMA:

"Willie Revillame's contract with GMA Network is set to end on the 15th of this month. His show Wowowin will air until Friday, February 11. We wish him a good luck in his future endevours."



Post a Comment

0 Comments