Napikon? Leni Robredo galit na pinalagan ang kanyang basher sa livestream niya: “Nako, kawawa ka naman!”

 

Pinalagan ni Vice President Leni Robredo ang isang netizen na tinutukso siya at binabangit ang ’40 x 4 = 1600′ na diumano’y sinabi noon ng opisyal sa isa sa kanyang mga talumpati.

Sa kanyang livestream ay nakatanggap ng special mention ang netizen kay Robredo at tinawag itong naniniwala sa fake news.

Ayon kasi kay Robredo ay pinutol ang nasabing video para palabasin na mahina siya sa math.

“Si Quizon Ren, nako naniniwala ‘to sa fake news ayan, 40 times 4, Ma’am is 1,600. Nako Quizon Ren, naniniwala ka sa fake news, spliced po ‘yung videong ‘yon. Forty times four times 10 is equal to 1,600. Nako kawawa ka naman,” paliwanag ni Robredo.

Matatandaan na kumalat sa social media noon ang isang video kung saan ay pinag uusapan ni Robredo kung ilan ang nakukonsumo ng mga Pilipino na bigas kada linggo.

“Ang estimate nila, 10 kilos per week per Filipino family. So kung 10 pesos per week, 10 kilos I mean, per week per Filipino family ano na ‘yon? ‘Di ba 40, 40 a week na kaagad. Sa isang buwan 40 times four edi 1,600, bigas pa lang ‘yon,”  ayon sa nasabing video.

Iginiit naman ng kampo ni Robredo na peke ang nasabing video at pinutol ito.


Ngunit may ilang netizens parin ang naniniwala na hindi edited ang nasabing video.


Post a Comment

0 Comments