Nakapag Pyansa? Aktor na si Enchong Dee, sumuko na matapos ang ilang araw na pagtatago dahil sa 1-B cyberlibel case na kinakaharap nito

 

Matapos ang ilang araw na pananahimik at nagdesisyon ng sumuko ang aktor na si Enchong Dee sa mga otoridad.

Sa mga ulat ay sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) si Enchong, ilang araw matapos isampa ang warrant sa kanya dahil sa 1-B cyberlibel case na kinakaharap niya matapos nitong akusahan ang representante ng DUMPER party-list na si Claudine Bautista-Lim ng korapsyon nitong nakaraang taon.

Sa una ay hindi ito makapagpiyansa dahil sa sarado na ang mga korte noong oras na siya ay sumuko.


Kapareho ito ng sitwasyon ng 80-anyos na matanda na ipinakulong dahil sa pagpitas nito ng mangga na hindi rin makapagpiyansa noon dahil sarado ang mga korte.

Ngunit ayon sa ulat ng fashion pulis ay kahit na sarado na ang mga korte ay nakagawa ng paraan ang judge para hindi na matulog pa sa NBI office si Enchong.

Sa ngayon ay pansamantalang nakalaya si Enchong matapos magbayad ng piyansa na hindi pa malaman kung magkano.

Wala pang pahayag ang kampo ni Enchong sa mga susunod nilang hakbang.

Matatandaan na pinagbabayad ng isang bilyong piso ni Bautista-Lim si Enchong dahil sa pinsala na naidulot ng aktor sa pagbubuntis ng mambabatas.

“He and his lawyers chose to pursue the case, not just because he and his family—who value their privacy and are focused on their businesses– were unfairly dragged into the whole issue, but also, or more so because he saw the heavy toll that the attacks took on my health, particularly on my sensitive pregnancy,” paliwanag ni Bautista.

 “It left us no choice but to file cases against those responsible for causing us so much grief and worry, which almost led to me losing our baby, and which adversely affected some of our constituents’ trust in us,” dagdag niya pa.

Hinimok din noon ng kolumnista na si Cristy Fermin si Enchong na sumuko na at magpiyansa na lang.

Ito ang pinakamagandang gagawin ni Enchong dito ang voluntary surrender. Hindi po pwedeng pagtaguan ito dahil lahat po ng sangay ng pulisya ay pinadadalhan [ng warrant]” ani Cristy.

“Huwag mong paliitin ang mundo mo, magpiyansa ka,” dagdag niya pa.


Post a Comment

0 Comments