Nagkagulo na! Chef na nasa likod ng ‘k-pop’ video ni VP Leni Robredo, binatikos ng kapwa niya Kakampink

Naging usap usapan sa social media ang panibagong Tiktok video ni Vice President Leni Robredo kung saan ay tila nililigawan naman ng presidential aspirant ang mga K-Pop fans.

Sa nasabing video ay makikita si Robredo habang ipinapakita ang kanyang “finger heart” gesture na pinauso ng mga taga South Korea na patok na patok naman sa mga millenials at mga fan ng K-pop.

Pinatugtog din sa nasabing video ang “Minamahal Namin si Leni” habang ibinabahagi ni Robredo ang kanyang finger heart.

Mababasa din ang mga katagang “Pipiliin, mamahalin at ipaglalaban ka araw-araw.”

Halo naman ang reaksyon ng mga netizens sa nasabing TikTok ni Robredo.

May ilan na tila hindi nagustuhan ang ginawa kay Robredo.

Kahit ang ilang tagasuporta ni Robredo ay tila nabwisit sa ipinagawa sa bise presidente kaya naman hindi nila napigilan na sugurin ang nasa likod ng nasabing video.

Ayon sa ilang post sa social media ay ang taong nasa likod ng nasabing video ni Robredo ay si Chef Gelo Guison na siya ring may ideya ng ‘kamehame wave’ TikTok video ng bise.

May ilan pa nga na inakusahan si Guison ng pagiging ‘trojan horse’ diumano para siraan si Robredo.

“Una hindi ako mole or trojan horse. You can ask people from the campaign lol. Ikalawa, December 8 pa pinost yang video na yan. Pinakalat lang ulit ng mga Orcs. Kapag lumulubog ka sana sa kampanya e di alam mo sana ang kaganapan. Labas din ng Twitter,” tugon Guison sa mga umaakusa sa kanya na si Miyako Izabel na kilalang tagasuporta ni Robredo.


Nakatanggap din ng prangkang komento si Guison mula sa mga kapwa niya Kakampink.


“Totoo naman e. Walang ibang laman yung newsfeed ko kundi yung pambababoy nila kay VP. Maka BBM ka ata e at nilalaglag mo si VP. Wag knalang kaya mangealam pg ntlo si VP malake role na ginampanan mo. Pwe.” sabi ni Solid Kakampink.

“At di mo dapat gayahin si Bong Revilla. VP siya at hindi artista. Pinagmumukha niyong t*nga [si Robredo]” dagdag niya pa.

Sumagot naman si Izabel kay Guison at sinabing wag sanang gawing “asal-bata’ si Robredo.

“Huwag mo kasing gawing pabebe o asal-bata si Robredo. Alam mo na gang ginagawang isyu ang pagkababae niya at pati ang utak niya kahit kasinungalingan at katarantaduhan. Bakit ka gagawa ng imaheng nagpapalakas sa mga panira sa kaniya? Hindi ‘yan ginagawa sa PR campaign.” sabi ni Izabel.



Sa ngayon ay wala pang sagot ang kampo ni Robredo sa away sa pagitan ng kanilang mga supporters.


Post a Comment

0 Comments