Biglang Nagwala? PWD nagwala at nanakit ng fast food crew matapos siyang hingan ng vaccination card

 

Halos hindi na maintindihan ang isang lalaki sa sobrang taas ng kanyang boses habang pinagsasabihan nito ang mga crew ng isang kilalang fast-food restaurant.

Ayon sa ilang ulat, isa daw Person with disability (PWD) ang hindi pa nakikilalang lalaki na lubos daw nagalit dahil sa hinihingan siya ng crew ng proof of vaccination para sila ay maka-order.

Sa video na ibinahagi ni netizen Christian JO, maririnig ang pagwawala ng lalaki at sa isang punto pa nga ay sinubukan pa nitong hawakan at hilahin ang crew.


“Paanong hindi kita sasaktan, e bastos ka?” sigaw ng lalaki sa mga crew.

Sinabi pa ng lalaki na hinagis daw sa kanya ng crew ang pera kaya hindi nito mapigilan na magalit ng lubos.

Hindi naman mapaalis basta basta ng security guard ang nasabing lalaki dahil sinasabi nito na hindi siya pwedeng hawakan ng mga ito dahil sa ‘social distancing rule’ na ipinapatupad ngayon.

Security guard ka pero hindi mo alam ang social distancing? Wag mo akong hawakan!” sabi ng lalaki.

Ipinagtanggol naman ng ina ng lalaki ang kanyang anak sa mga netizen at sinabi na dapat ay alamin muna ng mga tao ang paliwanag ng magkabilang panig.

“Siya po ay PWD, may diperensya siya sa pandinig kaya malakas ang boses. Hindi ho sya basta magagalit ng walang dahilan. Kaya nakakalungkot na ganyan na lang ang husga ng tao kahit hindi nila alam ang buong istorya,” sabi ng ina ng lalaki.

Sa ngayon ay mayroon ng 45,000 views ang nasabing video.


Post a Comment

0 Comments