Magpa Albularyo? Cristy Fermin awang awa kay Kris Aquino at pinayuhan itong Magpa Konsulta sa Albularyo

 

Awang awa ang kolumnista at radio host na si Cristy Fermin sa kasalukuyang kalagayan ngayon ng ‘Queen Of All Media’ na si Kris Aquino na dumadanas ngayon ng pagsubok sa kanyang kalusugan.

Sa programang Cristy Ferminute, pinag usapan ni Nay Cristy ang ng kanyang co-host na si Rommel Chika ang malaking pinagbago sa itsura ni Kris simula ng tamaan ito ng sakit.

Matatandaan na magkasama dati sa isang showbiz program si Cristy at Kris kaya naman hindi nito maiwasan na mapansin ang kalagayan ng television host.


Ayon sa kanya ay marami ang nagtatanong sa kanya kung bakit hindi pa daw kumukonsulta si Kris sa albularyo lalo na’t patuloy parin ang nararamdaman nitong sakit.

Ngunit naniniwala ang host na mas maniniwala sa mga doktor ang aktres.

“Ang dami-dami na nga pong tumatawag sa akin, bakit daw hindi ko kausapin si Kris para magpagamot sa albularyo,”  ani Cristy.

“Diyos ko, kung si Kris po ay tumatanggap ng mga ganoong salita, siguro po ay noon pa, nagpatingin na siya sa albularyo.” dagdag niya pa.

Pero ayon kay Cristy ay mayroong mga mayayaman na napagaling ng mga ‘faith healer’ at albularyo.

“Sana, doon humawak si Kris Aquino sa pananampalataya, hingin niya ang buhay niya sa Diyos,” sabi ng radio host.

Sa ngayon ay nagbabalak na pumunta ng ibang bansa si Kris para subukang lunasan ang kanyang sakit.


Post a Comment

0 Comments