Mga Bayaran? Korina Sanchez pumalag na sa mga kritiko niya: “Nasaan na ang mga troll na bayaran?”

 

Pinalagan ng mamamahayag na si Korina Sanchez ang mga netizens na bumatikos sa kanya matapos nitong magdiwang dahil sa hindi pa siya nahahawa ng sakit hanggang ngayon.

Matatandaan na sa kanyang ngayo’y edited na Instagram post ay sinabi nito na hindi pa siya nagkakasakit dahil siguro sa sobrang dami ng naitulong niya sa kanyang kapwa.

“Thank you Lord. Sadya akong pinagpala kase dami ko tinutulungan?” ani Korina.


Ilang araw matapos siyang ulanin ng batikos ay nagpahabol pa si Korina at tinawag na “bayaran” ang mga sumugod sa kanya.

“So nasaan na ang mga troll na bayaran? Napagod na ba kayo? [laughing emojis]” ani Korina.


Hindi naman naiwasan ng ilang netizen na pumalag sa akusasyon ni Korina.

Ayon sa ilang netizen ay hindi lang nila nagustuhan ang unang mensahe ng mamamahayag.

Itinanggi din ni Korina na binago niya ang kanyang mensahe.

“I didnt retract. I just said it in a way that negatrons cant comprehend,” paliwanag niya.

“Lahat ng hindi nadadapuan ay blessed ng heal na dapat ipagpasalamat. Hindi naman ibig sabihin na hindi blessed ang nagkakasakit. ano ang koneksyon. Thanks. Baka sensitive lang sila OR MGA TROLLS as I discover,” sabi pa niya.

Si Korina ang asawa ni dating interior secretary Mar Roxas na tumakbo noon sa pagkapangulo noong 2016.

Post a Comment

0 Comments