Pinagmumur@ ang Pulis? Tsuper na pasaway biglang nagwala at pinagmumura ang mga parak sa loob ng Presinto


Viral sa Facebook ang isang video kung saan mapapanood kung paano pagalitan at murahin ng isang lalaki ang mga pulis sa loob mismo ng presinto sa Naga City.

Batay sa video na pinost ni Coach Dennis Zuniega, ang pangyayari ay kuha sa Naga City Police Station 3.

Dito ay makikita ang isang lalaki na dinala sa presinto dahil sa isang violation.

Nguit ang matindi rito, ang lalaki pa ang galit na galit sa mga pulis. Aniya, hinaharangan raw siya ng mga pulis para bumalik sa kanyang sasakyan at kunin ang kanyang ID at cellphone.

Tinadtad din niya ng mura ang parak na kanyang kausap.

At nang sumingit ang isa pang pulis na nagvi-video para sabihin sa lalaki na siya ang mali, nagalit pa ito lalo at ang nagvi-video naman ang pinagmumura.

Sa kabilang dako, hinangaan din ng ilang netizen ang mga pulis na mahinahon lang habang pinagmumura ng lalaki.


Post a Comment

0 Comments