Napahiya? Kuha sa Video ang pagdedma ni BBM kay Gov. Zubiri Jr. habang sila ay nasa Stage


Viral ngayong Sabado sa Twitter ang video kung saan dinedma si Governor Jose Zubiri Jr. ni president aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. habang sila ay nasa stage sa Bukdinon.

Dumalo si Zubiri sa campaign rally ni Marcos bilang pagsuporta rito. Tila pinahiya ang gobernor nang hindi itaas ni Marcos ang kanyang mga kamay.

Mapapanood sa video na hawak na ni Zubiri ang kamay ni Marcos ngunit patuloy lang sa pagsasalita ang president aspirant.

Bago bumaba sa stage ay solong itinaas ng anak ng diktador ang kanyang mga kamay para iendorso ang sarili.


Post a Comment

0 Comments