Makinig Ka! Kilalang abogado pinangaralan si Vice Ganda tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN “Let me educate you!”


Isang abogado ang pinangaralan ang komedyante na si Vice Ganda matapos nitong sabihin na hindi na naghahabol ng prangkisa ang ABS-CBN dahil sa nabili na daw ni dating Senate President Manny Villar ang channel 2.

Nitong Abril 27 ay itinanggi ni Vice na sinusuportahan nila si presidential candidate Leni Robredo dahil sa ito ang magbibigay ng bagong prangkisa sa ABS-CBN.

Ngunit ayon sa komedyante ay hindi na ito ang kanilang habol dahil mayroon na daw may-ari ng kanilang prangkisa.

“Linawin lang natin, ha. Kasi ang daming nagsasabi, itong mga artistang ‘to, may mga ginagawa sila dahil ang tanging pakay nila ay para maibalik ang prangkisa.” ani Vice.

“Para lang sa kaalaman ng nakararami, wala na ho kaming inaasahang prangkisa, dahil ‘yung dati naming prangkisa, meron na hong nagmamay-ari nu’n. Wala na po kaming hinahabol na dating prangkisa, dahil ang prangkisa namin ay may nagmamay-ari na, at pagmamay-arian nila ‘yan ng ilang dekada,” dagdag niya pa.

“Wala na pong mahahabol ang ABS-CBN. Wala na pong in-apply na franchise ang ABS-CBN, kaya wala po kaming hinahabol na franchise. Hindi na naman mahahabol ‘yun. ABS-CBN is no longer after any franchise,”

Pero kanyang Facebook post, sinabi ni Atty. Trixie Cruz-Angeles na hindi pagmamay-ari ni Villar ang prangkisa ng ABS-CBN at maari muli mag-apply ang istasyon ng franchise renewal.

Matatandaan na ang susunod na administrasyon na ang magdedesisyon sa prangkisa ng ABS-CBN.

“Sabi ninyo, wala nang inaasahan na prankisa ang ABS CBN dahil may nagmamayari na ng prankisang nito, at hahawakan ng ilang dekada. “Let me educate you”. Una, kahit hindi pa nag aapply ng prankisa ang ABS CBN ngayon, pwede pa rin sila mag apply anytime.” wika ng abogado.

“Pangalawa, ang prankisa po ay hindi attached necessarily sa frequency. Ang pinagmamayari ni Advanced Media Broadkasting Systems ay yung frequency. Sinasabi ng mga tao na itinutulak ninyo ang pagbabalik ng prankisa ng ABS CBN, dahil, pwede nga nilang gawin yun. Hindi po necessarily shunga o trolls ang mga naghihinala nito.” dagdag niya pa.

Wala pang tugon si Vice sa sinabi sa kanya ng abogado.


Post a Comment

0 Comments