Hindi sa Prangkisa? Vice Ganda itinanggi na sinuportahan si Leni dahil sa prangkisa “ABS-CBN is no longer after any franchise”


Itinanggi ng komedyante na si Vice Ganda na sinusuportahan nila ang kandidatura ni presidential candidate Leni Robredo upang makakuha muli ng prangkisa ang kanilang network na ABS-CBN.

Sa kanilang noontime show na It’s Showtime, pinag-usapan muli ang nawalang prangkisa ng ABS-CBN.

Sinabi kasi ng isa sa mga contestant na si Dan Concilles na nalungkot siya ng mawala ang prangkisa ng ABS-CBN dalawang taon na ang nakakaraan.

Ngunit nilinaw ni Vice na hindi ang prangkisa ang dahilan kung bakit napakadaming artista ng ABS-CBN ang biglang nagpahayag ng suporta kay Robredo.

Ayon sa kanya ay mayroon ng nagmamay-ari ng nasabing prangkisa at wala ng hahabulin pa ang ABS-CBN.

“Linawin lang natin, ha. Kasi ang daming nagsasabi, itong mga artistang ‘to, may mga ginagawa sila dahil ang tanging pakay nila ay para maibalik ang prangkisa.” ani Vice.

“Para lang sa kaalaman ng nakararami, wala na ho kaming inaasahang prangkisa, dahil ‘yung dati naming prangkisa, meron na hong nagmamay-ari nu’n. Wala na po kaming hinahabol na dating prangkisa, dahil ang prangkisa namin ay may nagmamay-ari na, at pagmamay-arian nila ‘yan ng ilang dekada,” dagdag niya pa.

“Wala na pong mahahabol ang ABS-CBN,” ani Vice Ganda. “Wala na pong in-apply na franchise ang ABS-CBN, kaya wala po kaming hinahabol na franchise. Hindi na naman mahahabol ‘yun. ABS-CBN is no longer after any franchise,”

Umaasa naman si Vice na makakabangon muli ang ABS-CBN sa pagsubok na kinakaharap nito.

Kabaliktaran ito ng sinabi ni Vice noong nakaraang taon kung saan hinimok nito ang mga tao na iboto ang kandidato na magbibigay ng prangkisa sa ABS-CBN.

“Kaya sa eleksyon, iboto n’yo ‘yung magbibigay ng franchise; para mai-hotel namin kayo. Tinanggalan nila kayo ng chance, eh, na mai-hotel namin kayo! Kaya huwag n’yo silang [70 mambabatas] iboto,” ani Vice.


Post a Comment

0 Comments