ACTUAL FOOTAGE? Mas malinaw na Kuha sa paninigaw sa grupo ni Jilian Robredo, kumakalat Na “Si Leni ang magnanakaw hindi si Marcos!”


Kumakalat ngayon sa TikTok ang mas malinaw na footage ng paninigaw ng isang lalaki sa grupo ng anak ni presidential candidate Leni Robredo na si Jilian sa Baguio Public Market nitong Abril 25, 2022.

Sa nasabing video na ibinahagi ni j_o_r_a_c_e, makikitang lalaki na tila nagrereklamo kung bakit hinaharangan ng mga grupo ni Jilian ang daanan sa palengke.

Kumpirmado naman na makikita si Jilian sa nasabing larawan na nakikipag-selfie sa mga lokal ng Baguio.

Ngunit hindi na nakalapit pa ang lalaki sa anak ng bise dahil sa hinarang na ito ng ilang tagasuporta niya at ng mga pulis.

“Bakit ninyo sinasarahan ang daanan, public market ito! Umuwi na kayo,” sabi ng lalaki.

“Bakit ninyo sinasarhan ang public market? Para lang kay Leni? Dayuhan ka lang dito, Igorot kami,” dagdag niya pa.

Sinabi din nito na ang tunay na magnanakaw ay si Robredo at hindi si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Matatandaan na makikita sa ilang campaign materials na ibinabahagi ng grupo ni Robredo ang mga isyu na kinakasangkutan ni Marcos kasama na dito ang korapsyon.

“Palibhasa Leni ang magnanakaw, hindi si Marcos,” sabi pa niya.

Maririnig naman na nagpalakpakan ang iba pang nasa palengke at sumigaw ng BBM.

Humingi naman ng paumanhin si Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa nangyaring insidente.

“We are sorry that incidents like this took place. Rudeness has never been a standard conduct of Baguio folks,” ani Magalong.

“We can assure Ms. Robredo that such a physical outburst by a woman is not representative of Baguio’s legendary hospitable conduct, especially to visitors and guests,” dagdag niya pa.

@j_o_r_a_c_eNambastos nga ba si Jilian Robredo? Panoorin ang 2 magkaibang angle ng video ng mga netizen.

♬ original sound – ᴊᴏʀᴀᴄᴇ 𝓯𝓸𝓻 ʟᴇɴɪ-ᴋɪᴋᴏ


Post a Comment

0 Comments