IBINULGAR? Donita Nose inilahad ang tunay na dahilan ng pagkasira ng samahan nila ni Super Tekla "Walang Kwentang tao!"


Naghiwalay na ng kanilang landas ang matalik na magkaibigan na sina Donita Nose at Super Tekla.

Humarap na sa publiko ang Donekla in Tandem kaugnay sa nauna na nilang inanunsyong paghihiwalay.

Si Donita ang nagsalita tungkol sa tunay na dahilan. Kung bakit nabiyak ang tandem nila ni Super Tekla sa YouTube sa kabila ng pagkakaroon nila ng 3 million followers.

Sa live ng Donekla in tandem, sinabi ni Donita na talagang napuno na siya kay Tekla lalo't siya lang ang nag-iisip ng mga content nila.

Aniya dumarating lang daw si Tekla para mag-shoot, at minsan ay gumagawa pa raw ng dahilan. Para hindi makapunta sa location kung saan gaganapin ang kanilang vlog.

Ang ambag daw ni Tekla ay pag-arte sa vlog nila, pero marami pa raw itong reklamo bago sumalang sa camera.

Si Tekla masasabi ko talaga pagdating sa vlog namin, hindi talaga siya professional pagdating sa ano, may katamaran," saad ni Donita.

Bakit hindi mo kayang ibigay yung sarili mo, kasi binibigay ko na lahat sa'kin eh, di ba? Hindi nga ako naga-upload sa channel ko madalas eh kasi nagpo-focus ako sa ating dalawa dahil maraming nagmamahal sa'tin. Sayang yung three million," dagdag pa nito.

Pati sa paghahanap ng bagong bahay na kanilang lilipatan ay halos si Donita na lang din daw ang kumikilos.

Kaya ng nakahanap siya ng bahay ay laking gulat niya na ayaw pirmahan ni Tekla ang kontrata. Dahilan daw nito ay isang taon na daw silang nagsama pero walang nangyari.

Mensahe pa ni Donita sa mga fan ni Tekla, sana ay huwag siya masyadong durugin lalo't hindi nila alam ang kanyang pinagdaanan para mag-work ang tandem nila.


Post a Comment

0 Comments