Huli sa camera! Nag Viral ang isang Pari ng binigyan ng isang kaltok ang kanyang sakristan sa gitna ng misa

 

Usap usapan ngayon sa social media ang diumano’y pananakit na ginawa ng isang pari sa kanyang sakristan sa gitna pa naman ng misa na kanilang isinasagawa.

Sa isang video na mayroon ng milyong views ay makikita ang pari habang inaakay ng kanyang sakristan ngunit mapapansin na tila nagkauntugan ang dalawa.

Dito na biglang kinaltukan ng pari ang sakristan na kitang kita naman sa camera.

“Luhh. Binatukan ba siya ni father?” sabi ng caption sa video.

Hindi naman napigilan ng ilang netizen na magbigay ng kanilang komento tungkol sa ginawa ng pari.

“Alam nio kase wag kayo mashadong mag expect na mala anghel ang mga padre…trabaho lang nila yan pero ang totoong ugali nian iba” sabi ni netizen Indio GF.

May ilan din naman na ipinagtanggol ang pari at sinabi na dapat ay hindi kagad ito husgahan.

Sa isang maliit na video ba nahusgahan nyo na ang obispo? Do you know the entire life of him? Who are you to judge brothers and sisters? Do you not commit mistakes? Do you know the reason behind this video? Where is our rationality? Come on people be critical in everything. God bless.” ani RJ Castillo.

“Tao lng din nmn umiinit din ang ulo lalo pag nasasaktan malas lng may camera navideohan,” komento naman ni Maria Letty.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang nasabing pari tungkol sa video na kumalat.

Post a Comment

0 Comments