Pamilya Magnanakaw? Lito Atienza galit na binanatan si Bongbong Marcos: “Magnanakaw muli sila ng Napakaraming Pera ng taongbayan!”

 

Hindi diumano papayag si vice presidential aspirant at Buhay Party-list representative Lito Atienza na magkabalik muli sa kapangyarihan ang pamilya Marcos.

Matatandaan na nangunguna ngayon sa ilang presidential survey si presidential aspirant at dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kaya naman hindi maitago ni Atienza ang pangamba na baka nakawan muli ng nasabing pamilya ang bansa.

Kapag nanalo si Bongbong, I’m sorry to say, wala na talaga pupuntahan ang Pilipinas. If they got away with it by stealing so much money; they will steal more money to make sure they get around once again,” ani Atienza.

Ayon kay Atienza ay nagkamali ang mga sumunod na lider ng bansa matapos ang administrasyong Marcos dahil dapat ay ikinulong na nila noon pa ang buong pamilya ng dating presidente upang maiwasan na makabalik sila sa kapangyarihan.

“I believe our leaders after Marcos created a very grave miscalculation and a big error. They did not really pursue the issues against Marcos. Right now they should all be in jail,” sabi ng dating alkalde ng Maynila.

Hindi rin ito bilib sa paraan ng pangangampanya ni Marcos.



“I don’t entirely believe the story-telling of the Marcos campaign. They are not telling the truth. It’s a very well crafted political campaign machinery,” sabi niya pa.

Matatandaan na noon ay kinuwestiyon narin ni Atienza kung saan nangaling ang pera na ginagamit ngayon sa kampanya ni Marcos.

“I would like to ask one candidate today, Bongbong Marcos, ano negosyo niya? Saan siya nagtatrabaho? Ano kinikita niya? Ba’t ang dami-dami niyang perang ginagastos? Walang kontrol saan nanggagaling ‘yan,” tanong ni Atienza.

Si Atienza ay isa sa mga hinuli noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. dahil sa diumano’y pagtatanggol niya sa human rights.


Post a Comment

0 Comments