Muntik Malaglag? Rep. Claudine Bautista hindi iaatras ang kaso dahil sa muntikan na siyang malaglagan ng baby dahil sa ginawang pambabatikos sa kanya ni Enchong Dee

 

Ipinaliwanag ni Drivers United for Mass Progress and Equal Rights – Philippines Taxi Drivers Association (DUMPER-PTDA) party-list Rep. Claudine Bautista-Lim kung bakit tinuloy niya parin ang pagsasampa ng kaso laban sa aktor na si Enchong Dee.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Bautista-Lim ay hinimok siya ng kanyang asawa na si Mr. Jose French “Tracker” Lim na magsampa ng kaso laban kay Enchong dahil sa ‘stress’ at kahihiyan na idinulot nito sa kanila.

I would like to clarify that any legal action coming from us was instituted back in August of this year, upon my husband’s insistence and in response to the malicious allegations made against me at that time,” sabi ng mambabatas.

Ayon sa kanila ay naungkat na ang kanilang pribadong buhay at pati ang mga negosyo nila dahil sa ginawang tweet sa kanila ni Enchong.

Higit pa doon ay muntikan na daw siyang malaglagan ng baby dahil sa nasabing isyu.

“He and his lawyers chose to pursue the case, not just because he and his family—who value their privacy and are focused on their businesses– were unfairly dragged into the whole issue, but also, or more so because he saw the heavy toll that the attacks took on my health, particularly on my sensitive pregnancy,” paliwanag niya.

 “It left us no choice but to file cases against those responsible for causing us so much grief and worry, which almost led to me losing our baby, and which adversely affected some of our constituents’ trust in us,” dagdag niya pa

Matatandaan na inakusahan noon ni Enchong si Bautista ng pagiging kurakot at ginamit daw ng mambabatas ang pera ng publiko para gastusan ang kasal niya.


Dahil dito ay humihingi ng isang bilyong piso ang kampo ng mambabatas kay Enchong dahil sa ginawa nito.

Isa lang si Enchong sa mga sikat na personalidad na binatikos ang kasal ni Bautista-Lim.

Ilan dito ay sila Agot Isidro, Pokwang at Ogie Diaz na binatikos ang magarbong seremonya ng pakikipagisang dibdib ng mambabatas na ginanap sa Balesin Island.


Post a Comment

0 Comments