Mukhang Matanda? Agot Isidro pinagsabihan ang TV5 na wag ng ibahagi ang larawan niya matapos siyang tawaging matanda ng mga netizens

 


Pinagsabihan ni Agot Isidro ang Instagram page na pagmamay-ari ng TV5 matapos nilang ibahagi ang larawan ng aktres na inulan naman ng pambabatikos sa ilang netizens.

Sa kanyang Twitter post, nakiusap si Agot sa @TV5Manila na huwag na sana siyang gawing topic sa mga post nila.

“To @tv5manila, would appreciate if you do not make me a target for your ‘socmed’ engagement.” ani Agot.


Hindi rin pinalampas ng 55-anyos na aktres ang mga lumait sa kanyang itsura.

“To my bashers. 1. Sana di kayo tumanda. 2. Sana mas maayos ang ichura nyo dito pag 55 na kayo. 34, Ang pagbabatikos ko ay para sa inyong kapakanan,” mensahe ng aktres.



Sa ngayon ay binura na ng nasabing Instagram page ang larawan na lubos naman pinasalamatan ni Agot.

May ilan namang netizens ang nagpakita ng suporta kay Agot at pinuri ang itsura nito.

“The ever gorgeous Ms. Agot and defender of millions of Filipinos. Salute to you Ms. Gorgeous!” sabi ni @Jay_M_Cee.

“I saw you in person about two or three years ago, singing with Joanna Ampil in BGC. You look and sound amazing!” komento naman ni @rose21.

"Maganda pa rin para sa isang 55 yrs old at matapang na nakikibaka para sa bayan. Para sa akin you are beautiful inside & out. Magaling na actress.” tweet naman ni @remernico.

Post a Comment

0 Comments