Nagbabala? Agot Isidro nagparinig sa mga tatakbo: “Umabot na tayo sa kangkungan. Ngayon lang kayo aangal?”


ay babala ang aktres na si Agot Isidro sa mga politiko na susubukin na maging susunod na pinuno ng bansa na ngayon lamang nagiging kritikal sa kasalukuyang administrasyon.

Sa kanyang tweet ay muling nagsalita si Agot tungkol sa politika ngayong nagsisilabasan na ang mga kakandidato para sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno.

“I know it’s uncomfortable to bring politics in conversations. Big No-No yan, but marami din kasi ang hindi informed sa mga ganap ng bayan. We feel comfortable venting here on Twitter cos allies, pa-wittyhan. Pero it’s time na dalhin natin ang talakayan outside Twitterverse.” ani Agot.

“Double time na ang mga tatakbo. Pabanguhan na ng papel. Madaling takpan yung mga ginawa o mga walang ginawa by being visible these days.” dagdag niya pa.

Nagtataka si Agot kung bakit tila ngayon pa lamang nagiging kritikal ang mga nasabing politiko ngayong papalapit na ang eleksyon at lugmok na daw ang bansa.

“May mga promise to be the savior of the country. Pero, bakit ngayon lang? Umabot na tayo sa kangkungan. Ngayon lang kayo aangal?” tanong ng aktres at aktibista.

Matatandaan na ilan sa mga nagdeklara na kumandidato sa pagkapangulo ay hindi masyadong kritikal noon sa gobyerno.

Ilan dito ay si Senador Ping Lacson, Manny Pacquiao at Manila City Mayor Isko Moreno.



Post a Comment

0 Comments