Magpapakam@tay? Lalaki na kakasuhan na sana ni Raffy Tulfo, sinabing tatapusin na lamang ang buhay niya

 

Isang inirereklamo sa programang Raffy Tulfo in Action (RTIA) ang nagdesisyon na tapusin na lamang ang kanyang sariling buhay.

Ito’y matapos na ipahayag ni senatorial candidate Raffy Tulfo na tutulungan niya ang complainant na magsampa ng kaso dito.

Sa ngayo’y deleted ng episode ng Wanted Sa Radyo ay inirereklamo si Rogen Perez ng kanyang dating partner na si Jessie Castulo.

Tinanong ni Tulfo si Perez kung gusto ba nitong idaan na lamang sa usapan ang kanilang problema ni Perez, ngunit hindi ito ang gusto ng complainant.


“Gusto mo bang kasuhan natin to o mag usap kayo at magkapatawaran?” tanong ni Tulfo.

“Gusto ko po sana ipakulong yan kasi sobra na ang ginagawa sa akin niyan,” tugon naman ng complainant sabay sabi ni Tulfo ng “okay good”

Nagbigay naman ng mensahe si Tulfo kay Rogen at sinabihan ito na maghanda.

“Sir Rogen, maghanda ka at kumuha ka ng abogado mo at ikaw ay kakasuhan.” ani Tulfo.

Sinagot naman ito ni Rogen at sinabi na hindi na ito kailangan dahil tatapusin niya na lamang ang buhay niya imbis na humarap sa korte.

“Hindi na po, magpapakamatay na lamang po ako,” ani Rogen.

Wag naman,” pakiusap ni Tulfo sa inirereklamo.

Ngunit huli na ito dahil ibinaba na ni Rogen ang kanyang telepono.

Hinimok naman ni Tulfo ang complainant na tawagan si Rogen upang pigilan ito sa kanyang ibinabalak.

Tila nagbago naman bigla ang desisyon ni Tulfo ay hinimok muna ang complainant na makipag usap kay Rogen.

“Magusap nalang muna siguro kayo,” payo ni Tulfo.

Inutusan din ni Tulfo ang kanyang staff na magpapunta ng mga barangay official sa bahay ng lalaki upang tignan ang kalagayan ng inirereklamo.

Tila saglit naman napaisip si Tulfo bago nito tawagin ang susunod na complainant.

Sa ngayon ay hindi parin alam kung ano ang nangyari kay Rogen.

Usap usapan ngayon ang nasabing episode ngunit hanggang ngayon ay wala pang update ang kampo ni Tulfo tungkol sa naging resulta ng usapan sa pagitan ni Rogen at Perez.



Post a Comment

0 Comments