Watch| Aktwal Video ng Pagguho sa isang Warehouse sa Bulacan, Tatlong Katao, Binawïan ng Buhay!


Nitong Hunyo 1, kinumpirma ng Bureau of Fire Protection (BFP) na 3 ang nasåwi matapos bumigay ang isang warehouse sa Meycauayan noong Mayo 31. Nabulabog ang Meycauayan noong Mayo 31 matapos bumigay ang isang warehouse na siyang nagbaon sa mga trabahador nito. Nakatayo ang warehouse sa Muralla Industrial Park sa Brgy. Libtong.

Kwento ni Bulacan Police Director, Charlie Cabradilla, nasawi ang 3 biktima na sina Roel Preston, 38 taong gulang; Analyn Baldon, 35 taong gulang; at James Marcelo, 19 taong gulang matapos ma-trap sa ilalim ng kaskaho sa pangalawang palapag.


Samantala, ang isa namang empleyado na kinilalang si Marjorie Naling, 28 taong gulang, ay kasalukuyang nasa ospital at sumasailalim sa pagpapagamot.


Kwento ni Cabradilla, itinuturong dahilan ng pagbigay ng warehouse ang sobrang stocks ng solar panels at tent na may kabigatan.

Sinagot naman ng Chinese employer ng warehouse ang gastusin sa pagpapagamot ng mga nasugatan at pagpapalibing sa mga nasawi.


Post a Comment

0 Comments