Tumagay? Barbie naki-tagay habang nasa motorcade "Shot puno!"


Tawanan ang mga netizen sa isang viral video ni Barbie Imperial na naki-tagay habang nasa motorcade.

Sa viral video na pinost ng Facebook user na si Pax Reyes nitong Linggo, makikita na si Barbie ay nakasakay sa itaas ng isang pick-up na parte ng isang motorcade.

Ang aktres ay kumakampanya para sa WiFi partylist.

At dahil marami ang taong nanonood ng motorcade, mayroong isa na nag-abot ng alak at chaser kay Barbie. Mabagal lang din kasi ang takbo ng mga sasakyan. Nagsisigawan pa ang mga tao ng ‘Shot puno!’

Inabot naman ito ng aktres at ininom, na sinabayan ng hiyawan ng mga barako.

Kumalat ang video na ito at sa ngayon ay may mahigit limang milyong views na sa Facebook.


Post a Comment

0 Comments