Proud sa ANAK! Dating first lady Imelda Marcos, umakyat sa rostrum upang samahan si BBM sa kanyang proklamasyon


Kahit hirap na maglakad ay kinaya parin ng dating unang ginang Imelda Marcos na umakyat sa rostrum ng kongreso upang samahan ang kanyang anak na si president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr sa proklamasyon nito bilang susunod na pangulo ng bansa.

Nitong Mayo 25 ay matagumpay na na-proklama ng parehong mataas at mababang kapulungan ang dating senador matapos itong makakuha ng mahigit 31-M na boto nitong nakaraang halalan.

Ikinabigla naman ng mga netizens ang pag-akyat ni Mrs. Marcos sa rostrum kahit na lagi na itong naka-wheelchair.

Sinamahan ni Majority Floor Leader Martin Romualdez ang unang ginang na umakyat sa rostrum.

Maririnig naman ang pagkagalak ng mga tao habang nakikita ang unang ginang.

Ilang netizens ang hindi mapigilan na maging emosyonal habang pinapanood ang pag-akyat ni Mrs. Marcos na hudyat ng pagbabalik nila sa kapangyarihan.

“Naluha ako sa part nato,” sabi ni netizen @paperhands5693.

“She must be so proud,” ani @persicanterd.

Matatandaan na ibinahagi ni Sen. Imee Marcos na biglang sumigla ang kanilang ina sa gitna ng pagkapanalo ni BBM.

“Siyempre ang nanay ko sobrang excited niya at tuwang-tuwa siya sa mga pangyayari. Suddenly able to hear, to walk, lahat ng sakit-sakit [inaudible]… Lahat ng nararamdaman biglang nawala, malisking-maliksi at parang ‘di na siya 92 kundi 29,” sabi ng senadora.

Ngunit ilang kritiko ng mga Marcos ang naniniwala na maari ng harapin ng dating unang ginang ang parusa sa kanya dahil sa malakas na ito.

“According to her daughter, Imee, Imelda suddenly can walk, hear, and like all her illnesses suddenly disappear. Then, IKULONG NYO NA, CONVICTED YAN DIBA?” sabi ni netizen @akaashii_kejii.

“Not a crackhead as my president + Imelda looks like she can still sprint and do jumping jacks. I say ikulong na yan.” komento naman ni @chrispeeekreme.


Post a Comment

0 Comments