Naki-tagay pa? K Brosas bumirit sa videoke at Nakitagay pa habang nangangampanya kay Leni Robredo


Tinodo ni K Brosas ang pagsama sa house-to-house campaign para kay Bise Presidente Leni Robredo.

Sa isang video na ibinahagi sa Twitter, makikita si Brosas kasama ang mga kakampink na napadaan sa isang birthday party sa kasagsagan ng kanilang house-to-house sa Brgy. Sta. Lucia, Quezon City kamakailan.

Ang matindi pa nito, naki-videoke si Brosas at binirit ang awiting ‘Natatawa’ ng Aegis.

Hiyawan naman ang mga bisita sa naturang birthday party dahil naki-shot pa ng alak ang singer.

Matapos maki-shot, naghiyawan ang mga bisita ng ‘Leni, Leni.’

Ang video ay pinost ni Ben Bernabe, Communications Head, ng Team Leni Robredo.


Post a Comment

0 Comments