Biglang Nanutok? Pulis nakunan ng Video na tinutukan umano ng baril ang nakaalitan sa QC "Papatayin niya po kami!"


Nanutok ng baril ang isang pulis matapos nitong makaalitan ang isang lalaki at sabihing papatayin niya ito sa Quezon City.

Mapapanood sa isang video clip na nag-viral, naganap ang insidente nitong Biyernes sa Brgy. Pasong Tamo, na nakikipag-away si police corporal sa bayaw ng kasintahan nito na si alyas Ronnie.

Bago naganap ang pagtutok ng baril, binato ng pulis ng helmet ang kasintahan niya ngunit gate nina Ronnie ang tinamaan. Sa pangalawang beses ng pagbato, tinamaan na ang kasintahan nito at umawat na si Ronnie.

Nagsimula na ang alitan ng dalawa saka tinutukan ng baril si Ronnie.

Ayon sa biktima, hindi ito ang unang beses na nagwala ang pulis lalo na kapag lasing, kaya sinampahan na rin nila ito ng kaso.

Sa 40 beses na nagwala ang pulis, ito ang unang beses na nanutok ng baril.

Tiniyak ng Quezon City Police District na mananagot ang naturang pulis at posibleng matanggal sa serbisyo dahil sa ebidensya na video.

Haharapin ng pulis ang kasong grave threat, grave misconduct unbecoming of a police officer, at paglabag sa code of ethical standards for public officials. 



Post a Comment

0 Comments