Walang Epekto? Cristy Fermin dismayado sa pagsuporta ni Catriona at Pia kay Robredo “Mananalo na ba kapag mayroong dalawang Miss U?”


Tila minaliit ng kolumnista na si Cristy Fermin ang pagbibigay suporta ng dalawang Miss Universe na sina Pia Wurtzbach at Catriona Gray kay presidential candidate Vice President Leni Robredo.

Sa kanyang programa na Cristy Ferminute, sinabi ni Fermin na hindi naman nangangahulugan na iboboto na ng tao si Robredo kung mayroon itong suporta mula sa mga beauty queens.

“Eto na, sumali na nga rin sa pulitika. Nagpahayag na rin si Catriona Gray at si Pia Wurtzbach na sila ay Kakampink.” ani Fermin.

Ayon kay Nay Cristy ay hindi naman pagandahan ang labanan sa eleksyon.

“Lahat tayo ay mayroong kalayaan na pumili ng kung sino ang para sa atin ay dapat maluklok. ‘Yung demokrasya, pinaiiral po ngayon ‘yan, lagi-lagi, inuunawa ko. Kaya lang ang tanong, kapag may dalawang babae ba, dalawang beauty queen sa isang partido, mata-translate ba ‘yun sa boto? Oh, diba? Sabihin niyo, mananalo na ba kapag mayroong dalawang Miss Universe?” sabi ng beteranong showbiz reporter.

“Wala po ‘yan sa pagandahan. Wala po ‘yan sa pasikatan. Ang lahat po ng pinapangarap ng mga politikong tumatakbo ngayon, nakasalalay po sa kamay ng sambayanang Pilipino.” dagdag niya pa.

Hindi pa nagbibigay ng tugon ang dalawang Miss Universe sa kolumnista na kilala sa kanyang pagiging prangka tungkol sa mga isyu ng mga sikat na personalidad.


Post a Comment

0 Comments