Walang Bago? Awra Briguela Pinuna ang kanta ni Andrew E na ‘Bagong Pilipinas, Bagong Mukha’ Tapos Marcos-Duterte?


Pinuna ng komedyante at aktor ng ABS-CBN na si Awra Briguela ang kanta ng rapper na si Andrew E na ‘Bagong Pilipinas, Bagong Mukha’ na lagi nitong inaawit sa mga campaign rally ng tambalang Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Sara Duterte.

Sa kanyang tweet nitong Abril 26, nagtaka si Awra kung bakit ito ang mensahe ng kanta ni Andrew E gayong ang awit na ito ay para kay Marcos at Duterte na kilala na pagdating sa politika.

“Bagong Pilipinas, Bagong Mukha? Tapos Marcos,Duterte ulet HAHAHA,” ani Awra.

Ilang netizen naman ang sinagot ang tanong ni Awra sa kanyang tweet.

“Kulay rosas ang bukas. HAHAHHAHAHA Diko ma intindihan kung may bukas ba na kulay rosas! Pag kaka alam ko kasi paghihirap and bukas nung mga pinkalawan pa namumuno,” sabi ni @EVB1018.

“Yeah, May mga halaman na Pink lang sa Una at maganda, Pero malalanta at magiging Dilaw din po yan at makikita natin ang tunay na kulay .. Kaya supurta kay VP Leni Dahil mabibigyan sila ng Franchise.. Franchise po ba ang habol Mo @AwraBriguelaaa or kabutihan ng Pilipinas?” wika ni @Jushyrain.


“Ano ba yung lyrics bagong mukha or bagong apelyido?intindihin mo @AwraBriguelaaa,” ani @Eanamars.

“Bago din ba si Leni? Tanong lang.” komento naman ni @itschloe08.

“”MUKHA” yung nakalagay hindi “APELYIDO” kahit sa lyrics nalang intindihin nyo naman HAHAHAHAA,” saad ni @tricygals.

Hindi naman sinagot ni Awra ang mga banat sa kanya ng mga netizens.


Post a Comment

0 Comments