Sumingit? Nahulicam ang isang mamahaling motor na nahulog sa Kanal dahil sumingit sa daan


Kumakalat ngayon sa social media ang video kung saan inupload ni Relyn Cuering Francisco ngayong araw, Abril 9. 

Mapapanood sa video kung paano inaahon ang mamahaling motorsiklo mula sa pagkakahulog nito sa kanal. Ayon sa uploader, sumingit umano ang motorista kaya nahulog ito sa kanal. Mabuti na lamang at hindi nasama ang motorista sa pagkakahulog.

"Ang mahal pa naman niyan. NMAX pa!" ani ng uploader. Ayon sa ulat, aabot umano ng mahigit P100,000 ang presyo ng motorsiklo.

Isa itong paalala na huwag basta basta sumisingit sa kalsada kahit na traffic dahil hindi mo masasabi ang mangyayari lalo na at hindi mo kabisado ang kalsada.

Sa ngayon ay umabot na ng 14k reacts at 26k shares ang naturang video. Narito ang post ni Relyn:

"Lesson learn wag basta basta sisingit ng may kanal .ANG AGANG NAGMARITES"


Post a Comment

0 Comments