Sanib Pwersa? Gary at Gab Valenciano sanib pwersa na sumayaw at kumanta sa rally ni Leni Robredo


Sa unang pagkakataon ay umakyat sa stage ng campaign rally ng tambalang Leni Robredo at Kiko Pangilinan ang OPM icon at tinaguriang ‘Mr. Pure Energy’ na si Gary Valenciano.

Nitong Sabado, tinupad ni Gary ang kanyang pangako sa anak niya na si Gab na sasamahan niya ito sa campaign rally ni Robredo na pinagdiwang din ang kanyang kaarawan sa araw na iyon.

Ilan sa mga kinanta ni Gary ay ang kanyang mga hit songs na “Hataw na” at “Kailangan Kita”

Sa kalagitnaan ng kanyang performance ay sumabay na si Gab sa sayaw ng kanyang ama.

Dito na nila kinanta ang viral na kanta na ginawa ni Gab para magpakita ng suporta kay Robredo at Pangilinan na matatandaang binatikos din ng mga netizens sa social media.

Halata naman sa mga manonood na tuwang tuwa sila dahil sa pagpe-perform ni Mr. Pure Energy.

Matatandaan na naging kontrobersyal ang pagpapakita ng suporta ni Gab kay Robredo at Pangilinan at ilang netizens ang ginawang ‘meme’ ang kanyang sayaw.

Dahil dito ay hindi napigilan ni Gary na ipagtanggol ang kanyang anak na matatandaan na dumanas ng depresyon sa ginagawa ng mga netizen.

Paniniwala ng mga netizen ay pagpapakita din ni Mr. Pure Energy ng suporta kay Gab ang pagsayaw niya kahapon sa entablado kasama ang kanyang anak.


Post a Comment

0 Comments