Pinilit sa kama ni Kit? Ana Jalandoni tatlong beses sinaktan ni Kit Thompson at tinutukan pa ng Kutsilyo


Sa unang pagkakataon idinetalye ng sexy actress na si Ana Jalandoni ang tatlong beses na pananakit ng aktor na si Kit Thompson sa kanya.

Sa “The Boy Abunda Talk Channel,” ibinahagi ni Ana na bago pa man ang pinakamatinding pananakit sa kanya ni Kit, ay dati na siya nitong sinaktan.

Aniya, hindi lang umano pisikal na pananakit ang natanggap niya mula sa aktor kung hindi maging sa pananalita.

Una umano sa kanyang karanasan ay nang minsang magbiruan sila ni Kit. Nagkukulitan umano sila ng aktor sa bahay nito sa Pampanga.

Isa sa mga biro ni Ana ay babalik na lang umano siya sa Nueva Ecija, ang lugar kung nasaan ang dati niyang asawa.

Hindi umano ito nagustuhan ni Kit kaya naman kung ano-ano ang masasakit na salita ang sinabi nito.

Pangalawa sa kanyang karanasan ay nang tanungin siya ni Kit kung sino sa mga kaibigan nito ang posible niyang magustuhan.

Isa sa mga kaibigan ni Kit ang may gusto kay Ana. Ngunit sinabi ni Ana na wala siyang pipiliin dahil napili na niya ang aktor.

Subalit, sinabi rin ni Ana na sakaling hindi sila magkasintahan ni Kit ay ide-date nito ang kaibigan niyang may gusto sa kanya.

Nagalit ang aktor dahilan para tutukan siya nito ng kutsilyo na gamit nito sa pag-aayos ng bidet sa banyo at nasira pati ang tiles.

At ang pangatlo ay nang sampalin na umano siya ni Kit. Nakaidlip umano si Ana habang hinihintay matapos maligo ang aktor, ngunit sa hindi malamang dahilan, bigla na lang siyang sinampal nito.

Samantala, sa lahat ng pananakit ay napatawad ni Ana si Kit dahil mahal niya ito.

Ngunit paglilinaw ni Ana, matapos ang pambubugbog sa kanya kamakailan lang, desidido na siyang panagutin ang aktor.


Post a Comment

0 Comments