Kulong Na? Limang taon na pagkakakulong ang posibleng harapin ng isang netizen na nagsunog ng P20 bill sa TikTok!


Tila hindi lang bente pesos ang maaring mawala sa isang TikTok user na makikitang sinunog ang isang 20-peso bill para silaban ang kanyang iniinom na alak.

Ito’y dahil sa kakaharapin niya ang kaso na isasampa ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) dahil sa posibleng paglabag ng TikTok user sa Presidential Decree No. 247.

Ayon sa BSP, binura man ng suspek ang video ay nakakuha naman kagad ng kopya ang BSP nito na maaring gamiting ebidensiya laban sa TikTok user.

“‘Yung corresponding bank note and then ‘yung coin is pagmamay-ari ng Republika ng Pilipinas. Naka-receive siya ng maraming backlash from the public, pi-null out niya agad,” ani Atty. Mark Fajardo ng BSP.

Maliban sa P20,000 na multa ay maari pang makulong ng hanggang limang taon ang suspek na ngayon ay nahanap na ng mga otoridad.

Wala pang pahayag ang kampo ng TikTok user sa posibleng kahinatnan ng pagpapasikat niya sa social media.

@dontbefooled3 The Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) warns the public that the willful defacement, mutilation, tearing, burning or destruction of Philippine banknotes and coins are punishable by a fine of not more than PHP20,000.00 and/or imprisonment of not more than five years, under Presidential Decree No. 247. #burningmoney #fyp #zxycba ♬ Se Acabo Remix – Orlisz F’brianno


Post a Comment

0 Comments