HULI KA! Lalaki inulan ng batikos sa social media dahil sa paghampas nito sa isang matanda dahil sa away trapika


Inulan ng batikos sa social media ang isang lalaki matapos nitong hampasin ng baseball bat ang isang matanda na nakilala bilang isang jeepney driver.

Makikita sa video na ibinahagi ni Whendel Cruz Ramos ang pagtatalo sa pagitan ng grupo ng suspek at ng biktima dahil sa away trapiko.

Nang mangyari ang insidente ay sakay sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima na nakasoot pa ng helmet habang nakikipagtalo sa suspek.

Matapos ang ilang sandali ay ginamit na ng suspek ang baseball bat sa biktima na agad naman na tumumba.

Buti na lamang at may soot itong helmet ng pinalo siya sa ulo ng suspek na hanggang ngayon ay hindi parin nakikilala.

Hinimok naman ng uploader ang suspek na sumuko na sa mga otoridad.

“Sabihin nanatin may mali din si tatay na isang jeepney driver pero sana naman ser pinairal mo sa kalsada yung self control at nag-usap na lang ng maayos hindi muna kailangan kumuha ng baseball bat paano kung nagkataon walang helmet si tatay na suot tapos sa ulo mo napalo edi nakapatay kapa?” sabi ni Ramos.

“Huwag masyado maangas sa daan matutong magtimpi at makipag-usap ng maayos ! Maturuan ka sana ng leksyon sobrang mali yung ginawa mo mapapatay mo pa si tatay ng wala sa oras sana makunsensya ka at kusang sumuko sa mga awtoridad . Tignan mo balikat ni tatay ngayon dahil sa kahayupan mo baling bali makonsenya ka kung sino ka man,” dagdag niya pa.

Sa panibagong post naman ay ipinakita ng biktima ang mga natanggap niyang pinsala mula sa suspek.

Kinumpirma din ng biktima na away trapiko nga ang naging dahilan ng kanilang pagtatalo ng suspek.

Ayon sa kanya ay gusto niya lamang i-dokyumento ang nangyari at kunin ang plate number ng suspek.

Sinubukan daw tumakas ng suspek kaya naman hinabol niya ito na nag resulta sa pamamalo sa kanya.

Sa ngayon ay umabot na ng milyon milyong views sa social media ang mga video.

Hinahanap narin ng mga otoridad ang suspek.


Post a Comment

0 Comments