HULI AT KULONG! Nakunan ng CCTV ang Anim na Pulis Matapos Nakåwan Ang Isang Street Vendor ng mahigit P14,000!


Pansamantalang inalis sa puwesto ang anim na miyembro ng Caloocan City police dahil sa umano'y pagkuha ng P14,000 cash aid ng isang street vendor mula sa gobyerno. 

Ayon sa ulat, papunta sana ang biktimang si Eddie Yuson para bumili ng hapunan para sa kanyang mga anak nang makorner umano siya ng mga pulis at siyasatin ang kanyang mga bag.

Nakunan ng CCTV footage ang insidente kung saan nakitang hinanap ng mga pulis ang pitaka ng biktima at pagkatapos ay hinampas ito sa ulo.

"Yung wallet po ni papa na kulay blue hinalungkat na po tapos isa-isang yung perang andun po sa wallet… kinuha po," ani Marjolaine Yuson, anak ng biktima.

"Pumunta po kasi si papa para bilhan kami ng pagkain na pasalubong po samin. Hinarang daw .. bigla na lang daw po sya kinapkapan," kwento ni Marjolaine.

Mayroong P14,000 cash si tatay Eddie sa kanyang wallet bilang livelihood assistance mula sa Department of Social Welfare and Development. Plano niyang gamitin ito bilang kanyang kapital para magbenta ng mga bottled water at softdrinks.

Sinabi ni Marjolaine na sinubukan ng kanyang ama na umapela sa mga pulis na ibalik ang kanyang pera.

"Nakakalungkot din po kasi imbis na pagkatiwalaan po namin ang mga pulis na trauma na rin po kami," ayon kay Marjolaine.

Kinumpirma ng hepe ng Caloocan police na si Colonel Samuel Mina ang mga sangkot na pulis na miyembro ng kanilang anti-drg enf0rcement unit ngunit itinanggi nito na nangyari ang naturang insidïnte.

Batay sa salaysay ng mga pulis, hiningi nila ang mga identification card ng biktima matapos itong mapansin sa lugar kung saan sila nagsasagawa ng anti-illëgal drg 0peration.

"They vehemently denied the accusation...Kasi sabi lang nila, chineck nila yung body bag nya. Kasi umaaligid sya sa legitimate na anti-drg 0perations. Standard procedure nila na i-verify kung sino sya, chineck body bag nya, Kinuha mga ID nya," ani Mina.

"Let's give everyone the benefit of the doubt at saka i-determine natin kung sino nagsasabi na totoo sa proper forum na lang," dagdag pa niya.

Hindi pa nakakabalik si tatay Eddie sa kanyang negosyo dahil sa kakulangan ng puhunan.


Post a Comment

0 Comments