HINAMON? Robin Padilla may hamon kay Ka Leody de Guzman na gustong hukayin ang labi ni dating Pangulong Marcos “Gawin mo sa harap ko! Makikita Mo”


Hinamon ni senatorial candidate Robin Padilla si presidential bet Ka Leody de Guzman na nagpahayag ng kanyang kagustuhan na hukayin ang labi ni dating pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Nitong Abril 23 ay sinabi ni de Guzman na isang katatawanan ang desisyon na ilibing si Marcos Sr. sa Libingan ng mga Bayani (LNMB) kahit na marami itong ginawa diumanong kasamaan noong siya ay namumuno pa sa bansa.

Ayon kay de Guzman ay mas mainam kung hukayin na lamang muli ang labi ni marcos at ibalik ito sa kanyang hometown sa Ilocos Norte.

“Dapat talaga ’yan kasi kapag ’yung isang diktador na pinatalsik ng mamamayan ay nadoon sa Libingan ng mga Bayani, nakakatawa tayo niyan. [At] para hindi na rin pamarisan… Hukayin na natin at ibalik natin sa Ilocos Norte.” ani ka Leody.

Hamon naman ni Robin, gawin ni ka Leody ang paghukay kay Marcos sa harapan niya.

“Subukan mo. Gawin niyo sa harap ko,” hamon ng tinaguriang ‘bad boy’ ng showbusiness.

Kasalukuyang sinusuportahan ni Robin si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at mataas din ang ipinakita nitong respeto sa dating pangulo.

Nitong 2016 ay tinawag na bayani ni Robin si Marcos Sr.

“Ako ay tagahanga ni Marcos. Sinabi ni Marcos (sa Amerikano) na dapat yung aid sa Pilipinas tumbasan yung ano ang kailangan natin, hindi po puwede puro military aid… Kung ginawa ni Marcos yun, hero siya sa akin.” sabi ni Padilla sa panayam sa kanya noong 2016 ng CNN.

Nitong nakaraang taon naman ay sinabi ni Robin na dapat ay tigilan na ng mga kritiko ang labi ni Marcos.

“Ganyan na ba talaga kayo ka-walang pusong tao? Wow.” wika ni Robin. “Nailibing na ‘yung presidente ng Pilipinas na war hero sa Libingan ng mga Bayani, may problema pa kayo doon. Ano problema ninyo doon? Eh karapatan niya ‘yun. Lahat ng sundalo puwedeng ilibing doon. Ano ‘yun papahukay ninyo? aba, isa ako sa hindi papayag diyan,”


Post a Comment

0 Comments