WATCH| Full Video sa pagkakahuli kay Kit Thompson matapos ikulong at bugbugin ang nobyang si Ana Jalandoni


Bugbog sarado ang baguhang sexy actress na si Ana Jalandoni sa kaniyang nobyo na si ex-PBB housemate at hunk actor Kit Thompson.

Kasalukuyang nasa Tagaytay Medical Center si Ana upang matignan ang kaniyang kalagayan.

Ayon sa ulat ni Dominic Rea ng Abante Tonite, halos hindi na maidilat ng aktres ang kaniyang mga mata dahil sa pambubugbog na natamo.

Batay naman sa PNP Tagaytay, nailigtas nila si Ana matapos makatanggap ng tawag mula sa isang hotel.

Sa ngayon, nakakulong na sa Tagaytay Police Station si Kit.

Samantala, iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang pinag-ugatan ng away ng dalawa.


Post a Comment

0 Comments