WATCH| Full Video ng Pag aamok ng isang Barangay Official na biglang nanakit at nag Eskandalo dahil lasing!


Sa isang post na ibinahagi ng netizen na si RJ Talde ay ikinuwento niya ang nangyari sa video. Marso 1 ng gabi ay nagbabantay siya noon ng tindahan. Nang dumating ang mga lalaking nakasasakyan. Ilan umano sa kanila ay mga barangay officials. Ipinapasara umano ng mga lalaki ang tindahan. Nang kanyang nilapitan at tanungin kung bakit niya ipinapasara ang tindahan ay bigla na lamang umanong humugot ng båril.

At may mga dumating pa na kasamahan ng mga lalaki, doon na pinagtulungan si RJ. Ani ni RJ, nakainom umano ang mga barangay officials. Hiling niya na sana ay huwag ng mandamay ng iba kapag nakainom sa halip ay matulog na lamang.

"Barangay official pa naman kayo tas ganyan ginagawa nyo na dapat kayo ang gumagabay sa nasasakupan nyo," ani ni RJ.

Narito ang kabuuang post na ibinahagi ni RJ nitong Marso 2:

March 1. 2022

Around 10:30pm nag babantay po ako ng tindahan then dumating yung naka montero na color black naka sakay po don yung kapitan namin Walter S Abel at pinapasara po yung tindahan at nung nilapitan ko bakit ko need isara pinakitaan ako ng båril then dumating yung anak nya na kagawad James Abel at yung tatlong tanod at pinag tutulak tulak ako ng isang tanod hanggang sa sumapåk sila at pinag tulungan ako at pinaghahampås ako ng tubo na bakal. Makikita den sa video na bumunot ng båril si kap walter abel.

Next time sana pag lasïng po kayo tinutulog nyo nalang po . Wag na po kayo mandamay ng naghahanap buhay ng marangal. Barangay official pa naman kayo tas ganyan ginagawa nyo na dapat kayo ang gumagabay sa nasasakupan nyo


Post a Comment

0 Comments