UBOS NA? Mommy Dionesia sobra na ang Pag alala baka maubos ang pera ni Manny Pacquiao dahil sa pagtakbo sa pagkapangulo "Binenta na lahat"


Hindi naitago ni Dionisia Pacquiao o mas kilala bilang ‘Mommy D’ ang pag-aalala niya sa kanyang anak na si presidential candidate Sen. Manny Pacquiao dahil baka maubos ang pera nito dahil sa pagtakbo sa pagkapangulo.
Sa kanyang talumpati sa proclamation rally ng pambansang kamao ay ikinuwento ni Mommy D na malaki ang naubos na pera ng kanyang anak ng tumakbo ito sa eleksyon noong 2007 kung saan ay natalo siya laban sa kanyang katunggali na si Darlene Antonino-Custodio.

“Noong tumatakbo pa siya noong unang beses dito sa General Santos, umiyak ako kasi ilang sako na ng pera ang nakita kong nawala,” pabirong kwento Mrs. Pacquiao.

“Sabi pa ng mga amiga ko, ‘Mommy, ang anak mo bigay ng bigay ng pera, baka maubos ang kwarta!’“ dagdag pa niya.
Ngayon ay lalo pa siyang natatakot dahil sa national position na ang sinusubukang kunin ng kanyang anak.

Hindi napigilan ng pambansang kamao na mapatakip ng mukha habang natatawa sa kwento ng kanyang ina.

Matatandaan na kilala si Pacquiao sa pamimigay ng kanyang yaman sa kanyang mga kababayan.

Ngunit sinabi naman ng pambansang kamao na hindi siya namimigay ng pera bilang parte ng kanyang kampanya.

Paliwanag niya ay talagang nasanay na lamang siya sa pagtulong sa kanyang kapwa.


Post a Comment

0 Comments