Sobrang PAYAT? Kris Aquino Dinadaing ang Pagkirot ng Kanyang Lower Spine Dahil sa Sobrang Kapayatan


Ibinahagi ni Kris Aquino sa kanyang instagram ang short video kung saan ikinuwento niya ang kanyang mga piangdadaanan ngayon. Inamin niya na talagang mahiråp ang såkit na iniinda niya ngayon. 

Dinadaing din ng aktres ang pagkirot ng kanyang lower spine dahil halos wala nang laman sa kanyang katawan. Kaya diretso sa kanyang buto ang såkit na nararamdaman niya.

"i won't lie to you, there's this parang nabugb0g ng bongga feeling in my lower spine BUT apart from my medicinal limitations, halos wala na kasi akong fat to help "CUSHION" my bones... kaya EXAG ang sakit, skin then diretso sa buto. Process & hit or miss para makahanap ng okay na pwesto pag hihiga at kung uupo." ani ni Kris Aquino.

Gayunpaman, madalas umano niyang pinapaalala sa kanayng sarili na pansamantala lamang ang såkit na kanyang nararamdaman at malalagpasan niya rin ito.

"i constantly remind myself: To keep thanking God since my current pain is temporary. Malalagpasan rin kaya bawal umangal, maraming mas malala ang pinagdadaanan, at may hinihintay pang mga resulta kaya manahimik, magpasalamat, at patuloy na magdasal," dagdag pa ng aktres.

Pinasalamatan niya ang lahat ng mga taong tumutulong sa kanya sa pagpapagaling simula sa mga doktor hanggang sa mga nurses. Pinasalamatan din niya ang mga taong nariyan parati sa kanya lalo na sa kanyang dalawang anak.


Post a Comment

0 Comments