Sila ang May ari? Sharon Cuneta matapang na binanatan si Sara Duterte at sinabi na kanila ang ‘green’ na campaign color: “Go find your own color!”

 

Hindi pa tapos si Sharon Cuneta at binanatan muli nito ang kanyang mga kritiko na nagsasabi na inagaw nila ang kulay green na campaign color sa local party ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte.

Matatandaan na simula ng ilunsad ang lokal na partido ni Inday Sara na Hugpong ng Pagbabago (HNP) ay kulay green na ang isinosoot nila tuwing kampanya.

Ito naman ang gamit na campaign color ni Pangilinan ngayon kaiba sa ‘pink’ na ginagamit ng ka-tandem nito na si Vice President Leni Robredo.

Hindi naman umatras si Sharon sa mga kritiko at sinabi na noong 2001 pa lamang ay gamit na nila ang kulay green.

“It is funny how some people are claiming that GREEN is “their” color. May nagsasabi pa inaagaw daw namin! Since Kiko first ran for the Senate in 2001, green na ang kulay niya/namin!” ani Sharon sa kanyang social media post.

“So find your own color. Please. #LeniKiko2022 #Tropa” dagdag niya pa.


Hati naman ang reaksyon ng mga tao sa sinabing ito ni Sharon na tila nagiging palaban na sa kanyang mga kritiko ngayong papalapit na ang 2022.

“Wala po sa kulay yan sa pagka tao ng kandidate. Ano man kulay yan liligaw ang tunay na pag uugali yan.” ani netizen @sunbreathnoox.

“Nobody owns any color po. Just saying.” sabi naman ni @jezseed.

“Cheap nmn pati b nmn kulay papatulan mo,” komento naman ni @chopper_the_cutie_poodle.

Kanina lamang ay binanatan din ni Sharon ang kasalukuyang administrasyon at sinabi na dapat ay manumbalik na ang pagiging disente ng mga tao.

“Magising na po tayo. Di na makausad ang Pilipinas! Tama na ang pambobola sa atin. Tama na ang pinagtatawanan ang Pilipino ng mundo. Naway tulungan tayo ng Panginoong Diyos. God bless us all po!” sabi niya sa kanyang post.


Post a Comment

0 Comments