Senyales ng Panalo? Angel Locsin Ibinahagi sa Publiko ang Larawan ng Malaking Rainbow na Namataan sa People's Rally sa Bacolod!


Kaliwa't kanan ang ginagawang rally para sa iba't ibang kandidato. Sa larawang ibinahagi ni Angel Locsin ay makikita ang isang malaking rainbow na namataan sa people's rally nina VP Leni Robrero at Sen. Kiko Pangilinan na ginanap sa Bacolod. 

Narito ang caption ni Angel sa kanyang nirepost na larawan, "Pag-asa". Marami naman ang nagkomento sa kanyang post at ilan rito ay ang mga artistang sumusuporta rin sa tambalang Leni-Kiko.

Ayon sa ulat, nasa 70,000 katao ang nagpunta sa grand rally nina VP Leni at Sen. Kiko upang magbigay at magpakita ng kanilang suporta.

Ginanap ang grand rally sa gitna ng City of Smiles sa Paglaum Sports Complex sa Bacolo, Negros Occidental.

Sa naturang kampanya ay nagkaroon ng pinaka malaking tarpaulin sina VP Leni at Sen Kiko. Nagpunta rin sila sa ibang mga bayan at lungsod sa probinsya sa maghapon.


Post a Comment

0 Comments