P@tay Na? Cristy Fermin may masamang panaginip tungkol kay Kris Aquino: “Namatay na daw siya”

 

Masama ang naging panaginip ng kolumnista at radio host na si Cristy Fermin tungkol sa Queen of all Media na si Kris Aquino.

Sa episode ng Cristy Ferminute nitong Enero 17 ay pinagusapan nila Nay Cristy at ang kanyang co-host na si Rommel Chika ang masamang pangitain tungkol sa tanyag na television host na ngayon ay humaharap sa pagsubok sa kanyang kalusugan.

Ayon kasi sa panaginip ng kolumnista ay nabigo daw labanan ni Kris ang kanyang sakit at tuluyan na itong pumanaw.

“Bahagi ng mga panalangin ko si Kris Aquino. In fact, noong Sabado ng umaga, lungkot na lungkot ako noong gumising ako, alam ng mga kasambahay ko ‘yan… paggising ko, shock na shock ako…” ani Cristy.


Napanaginip ko, namatay si Kris Aquino. Idinala raw siya sa ibang bansa, hindi naman sinabi kung sa Singapore o Amerika, nakadalawang linggo raw siya sa ospital, pero pumanaw rin. Iyon ang aking panaginip. Lungkot na lungkot ako kasi bago ako matulog, binigyan ko siya ng mahabang panalangin…” dagdag niya pa.

Kung siya ang masusunod ay mas gusto daw ni Cristy na humaba pa ang buhay ni Kris kaya naman nag-alay ito ng panalangin.

Kamakailan lang ay binanggit ni Cristy ang mga diumano’y mayayaman na gumaling sa tulong ng mga albularyo matapos siyang sabihan ng mga followers niya na bigyan ng payo si Kris na hindi lang sa doktor magpakunsulta.

Sa ngayon ay wala pang update si Kris tungkol sa kasalukuyan niyang kalagayan.

Matatandaan na sinabi ni Kris na pupunta siya sa ibang bansa para subukang lunasan ang kanyang karamdaman.


Post a Comment

0 Comments