Piliin ang hindi B@stos?Umapela ang Megastar Sharon sa mga botante na Piliin ang wastong Pinuno "Yung Disente!"

 


Ipinahayag ni Sharon Cuneta sa kanyang Instagram ang kanyang totoong saloobin kung ano dapat ang maging isang pinuno. Hinimok niya ang mga botante na pumili ng mga pinuno na hindi tumatawag na 'stup*d' ang Diyos at hindi nabahiran ng katiw@lian.


Binanggit din nya ang isyu sa Pharmally, at itinuro kung paano ang mga nasangkot sa kumpanya ay nagmamay-ari ng mga mamahaling kotse, pero marami pa ring mga Pilipino ang nawalan ng trabaho at kahit na ang mga b@kuna ay kailangang bayaran.

"Piliin ninyo ang mga pinuno na may takot sa Panginoon - yung hindi tinatawag ang Diyos na “STUP*D.  Ang walang paniniwala sa Panginoon ay nakakatakot mamuno, dahil ang diyos niya ang ang sarili niya." deretsahang sabi ng Megastar. "Pumili kayo ng mga walang bahid ng k0rupsyon, may tapat na hangaring makapaglingkod at protektahan tayo," dagdag pa niya. "Hindi yung wala na ngang trabaho ang mga kababayan natin, gutom na wala pang ayuda, ang b@kuna kulang na nga pinababayaran pa - pero ang mga di makasagot kung saan na napunta ang bilyong-bilyong piso na napunta sa Pharmally pero kitang-kita ang mga magagarang sasakyan at biglang pagyaman ng mga kasali diyan, yun ang pinagtatakpan at pinoprotektahan," aniya.

Sa huli, hiniling niya na sana ang lahat ay magising na.


Si Sharon Cuneta, kilala rin bilang The Megastar, ay isang Pilipinong artista, mang-aawit, host at endorser. Asawa siya ni Sen Kiko Pangilinan at ina ng aktres at negosyanteng si KC Concepcion. 

Nagpost si Sharon sa kanyang Instagram ng mga larawan na nagbibigay ng impormasyon sa kasaysayan ng serbisyo ni Sen. Kiko Pangilinan. Nag-post rin siya ng isang cute na caption na kung saan sinabi niya na si Kiko ay tumatakbo bilang Bise Presidente ni VP Leni at ng mamamayang Pilipino sa 2022.

Bukod sa educational background ni Pangilinan, sinabi din niya ang mga panukalang batas na naipasa ng senador. Matapos ang kanyang paunang post tungkol sa history ni Kiko sa kanyang serbisyo, muling ipinost ni Sharon ang sticker ng Leni-Kiko, at nagbigay ng isang bagong Pangalan na Team #TRoPa, na kumakatawan sa Team Robredo Pangilinan.

Nagpost din si KC Concepcion sa kanyang Instagram upang ipahayag ang kanyang taos-pusong suporta para sa kanyang ama na si Sen. Kiko Pangilinan.

Bukod sa pag-post sa IG, nagpost din siya sa IG Stories tungkol sa senador. Tinawag niya bilang kanyang Pangalawang Pangulo at pinagsama ang kanilang litrato sa gitna ng isang pink na background.

Ang panganay ni Megastar ay dati ring nag-post tungkol sa pink skies na may makahulugang caption, "There is some good in the world."

Basahin ang reaksyon ng mga netizens sa pahayag ni Sharon Cuneta sa kanyang Instagram post kung ano dapat ang maging isang pinuno:




Post a Comment

0 Comments