Namulitika Na? FatherJoseph Raura may babala sa mga maninimba "Yung mga nagsasabi ng lugaw! Ang hihina ng utak nyo"

 


Laging kontrobersiyal ang misa na para sana sa Simbang Gabi ng isang pari na kilalang kilala sa social media dahil tila pagsasalita nito tungkol sa politika.

Sa kanyang misa ay pinagusapan ni Father Joseph Fidel Roura na kura paroko ng Quasi-Parish of Our Lady of La Salette Muzon, San Jose del Monte Bulacan ang kandidato na tinatawag na ‘lugaw’ at sinabi na mahina itong akusasyon.

“Lugaw ka, lugaw ka, lugaw ka. Solid blank blank blank kami,” sabi ng pari habang tila ginagawang katatawanan ang ginagawa ng isang grupo na diumano’y kumakantyaw sa nasabing kandidato.

Ayon kay Roura ay nagtataka siya kung bakit hindi matawag na “magnanaw” o “kurakot” ng mga tao ang nasabing kandidato at “lugaw” na lamang ang naitatawag sa kanya.

Dahil siguro’y wala na daw mapuna sa kandidato kaya ‘lugaw’ na lamang ang masabi ng tao dito.

Ganon ang taong may integridad, wasakin man ng iba hindi mawawasak dahil buo na siya,” sabi ni Roura.

“Ang tyanta ko nga, kahit matalo ang kandidato hindi niya iindahin talaga dahil buo na siya.” dagdag niya pa.

Sinabi pa nito na malulungkot siya kung matalo man ang nasabing kandidato na ito na laging tinatawag na lugaw.

Sigurado din daw na malulungkot ang kandidato na ito hindi para sa kanya kundi para daw sa “sambayanang Pilipino”.

Tila may patama din ito sa isa pang kandidato na hindi diumano pinapansin ang mga paratang sa kanya.

“Pero it’s either naman na dalawa ito, katulad ng sinasabi kong kandidato hindi siya nagre-react dahil hindi siya apektado o ‘yung naiisip niyo na kandidato hindi nagre-react kasi alam niyang totoo,” mensahe ng pari.

Ilang netizens ang tila nahulaan na si Vice President Leni Robredo ang binabangit ng pari.

Matatandaan na ‘lugaw’ ang tinatawag kay Robredo sa social media simula ng sabihin nito na galing sa paglulugaw ang bahagi ng ginamit niyang pondo noong nangangampanya siya sa pagkabise presidente.

Samantala ay may ilang naniniwala naman na si dating Sen. Bongbong Marcos ang isa pang kandidato na binabangit ni Faura dahil kilala ang nasabing kandidato sa hindi pagpansin sa mga pambabatikos sa kanya.

Ilan sa mga halimbawa ay ang pambabatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Marcos na hindi pinansin ng dating senador.


Pannorin nyo dito:

Post a Comment

0 Comments